Isang araw ay naisipan kong magbasa ng isang librong hindi ako tuturuan ng anumang scientific equations, calculus, meiosis, cell tissue, prokaryotes, protistans, parenchyma, collenchyma, sclerenchyma, algebra, postulates, diskors, pangungusap, komunikasyon, midyum ng komunikasyon, chronemics, proxemics, kinesics, hoptics, iconics, paralanguage, proxemic distance, tsanel ng mensahe at kung anu-ano pang nakalilitong babasahin.
Sa madaling salita, isang librong walang kabuluhan.
Naisip ko tuloy bumili ng nobelang ukol sa romansa. Yung tipong ang front cover ay mga machong lalake na kung saan nakakapit naman ang isang seksi at magandang babae. Ganito kasi ang madalas na kwento.. ang babae ay isang damsel in distress. Kumbaga api-apihan. Tapos biglang darating ang prinsipe na magliligtas sa kanya. Mag-aaway ng konti ngunit kasalan rin naman ang wakas. Parang fairytale.
Ngunit naisip kong di naman ako tulad nun, at lalong di ako api-apihan (subukan nyo lang at madali mong makikilala si kamatayan!). Isa pa, ang buhay ay hindi isang fairytale, kaya't naisipan kong wag ng bumili.
Napagdesisyunan ko na lamang na umuwi at tuluyan ko ng nilanghap ang maruming hangin mula sa mall. Siguro ay magkakaroon ako ng sakit sa baga nito. Sa kasamaang palad, iniwan ako ng nanay at tatay ko kung kaya't mag-isa na lamang akong umuwi. Binagtas ko ang kahabaan ng "kalye ewan". Tiniis ko ang pagod sa ngalan ng pagpapapayat.
Sa wakas ay nakarating na rin ako sa aming munting bahay. Dahan dahan akong pumasok sa kwarto ko sa takot na makita ko si Kokey na natutulog sa kama ko! Madilim. Dinama ko ang switch at bumulag sa akin ang liwanag. Bumulaga sa akin ang mga libro, notbuk, damit, papel, tsinelas, kumot, unan at bag na nakalagay kung saan-saan. Dumalaw ba ang bagyong si Katrina dito? Naging bahagi ba ng Indonesia ang kwarto ko at lumindol dito kanina? O di kaya'y niluoban ako ng magnanakaw? Bigla kong tinakbo ang aking cabinet. Laking tuwa ko nang makita ko ang matabang baboy na naroroon pa rin.
Di ko na inintindi kung tsunami, hurricane, typhoon, hailstorm o earthquake ang tumama sa aking silid. Inihiga ko na lamang ang aking katawan upang makapag isip ng maayos.
Totoo nga kayang guilty si Erap? O di naman kaya'y may kagagawan si GMA dito. kapag not guilty si Erap, maaaring maging walang silbi ang pamumuno ni GMA. Babalik si Erap bilang presidente ng Pilipinas at wala ng pagkakataong maghari si GMA sa kalunos-lunos na bayang ito. Hindi ako maka-Erap ngunit bigla na lamang itong sumagi sa aking isip. hmmmm.... sa dinami dami ba naman ng mga corrupt officials, bakit si erap lang ang nasa kulungan? Hay naku... Tanggalin na kaya lahat ng mga opisyal at hanapina ng Justice League nang matapos ang kaguluhan.
Dalawang mensahe mula sa aking celfone ang nagpatigil sa akin..
-Mula kay Roland na kararating lamang ng bahay at kakain pa. Naikuwento niya rin na katabi niya si Dildo girl sa jeep. hahaha. ang malas nga naman.
-Si Debbie, na ipinaalam sa akin na naisend na niya sa aking email ang EDP lesson.
Saglit akong natawa sa mga mensahe. Nakakatuwa nga naman din ang mga cellphone. Ang Pilipinas nga raw ang Texting Capital of the World. matatawag ba itong compliment? Ang mga Pilipino nga naman kasi mahilig mag send ng mga kung anu-anong message sa mga kaibigan, classmate, kagalitan o di kaya'y sa mga kasintahan. Unlimited text, unlimited call, saan ka pa?
Sandali... may nakikita akong gumagalaw... papunta sa pintuan... maliit siya... nakakadiri... nais kong sumigaw ngunit pinigilan ko... kumuha ako ng tsinelas... dahan dahan akong lumapit... 1... 2... 3... BOOSGHHH!... PATAY ANG IPIS!
Sa wakas nakaganti rin ako sa asungot na yun. Isang matagumpay na halakhak ang naipamalas ko. Para tuloy akong si Alma Concepcion sa pelikulang "Patayin sa sindak si Barbara".
Bakit nga ba nilikha ang mga ipis? Nakakatulong ba sila sa lipunan o sa environment? O nagpaparumi lamang sila nito? Hindi ko alam ang kasaysayan ng mga ipis kaya't hindi ko sila ipapahamak ng grabe. Ang alam ko lang ay nakatutuwa silang patayin gamit ang tsinelas.
Ilang minuto na nga bang lumilipad ang aking isipan? Marahil isang oras o mahigit pa. Ngunit wala pa rin akong librong nababasa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment